Category: Tagalog ba?

Kilay Is Life

Alas onse ng sabado noon, kakasakay ko lang ng jeep nang may sumakay ding isang estudyante. Medyo chubby sya, hanggang baywang ang buhok at pang-rakista ang pormahan; black knitted shirt, tokong na maong at boots. Isa sa pinaka-una kong napansin sa kanya ay yung kilay nya. Usong-uso ngayon ang ‘kilay is life’ at mukhang yun din ang tina-try i.achieve ni Ate Girl to the point na nanglalaban na. Tipong di pa sya galit, mukha nanagad syang galit. Sinubukan kong iwasan na tignan sya kaso may napansin ulit ako. Akala ko may something sa bibig nya pero naka-brace pala sya at medyo hirap i.close yung labi.

Paglampas ng Buting, may sumakay na kakilala nya na kinalabit at kinausap sya. Doon ko nakita yung ngiti nya, ang ganda nya pala. Parang nagliliwanag yung buong mukha nya kapag nakangiti sya, she even have dimples. Confirmed, ‘di bagay yung kilay nya sa kanya. May kamukha syang batang artista ng GMA dati eh kaso di ko na maalala yung pangalan.

Sana next time, she’ll tone down her eyebrows, she’s more beautiful that way.

Naranasan mo na ba?

Naranasan mo na ba na kabisado mo ang sapatos ng mga tao sa paligid mo ng hindi sila tinitignan kasi nag-aalangan kang tignan sila sa mukha?

Naranasan mo na ba na pakiramdam mo palagi kang pinag-uusapan? ‘Yung¬† para kang takot lagi na baka may nakamasid syo?

Naranasan mo na bang papaniwalain ang sarili mo sa isang bagay para lang maging mas okay ang emotional state mo kasi nasa edge ka na? Continue reading “Naranasan mo na ba?”

Kandila

Kandila

Gaya ng kandilang sinindihan sa dilim, ikaw ay inilalagay sa isang sitwasyon kung saan ka dapat magsabog ng liwanag. Marami mang pagsubok na susubukang patayin ang apoy mo, may mga kamay namang handang salagin ang hangin sa paligid masiguro lang na patuloy kang mag-aalab.

Kung nasaan ka man ngayon sa buhay mo, isipin mo lagi na one way or another ikaw ay nagsisilbing liwanag para sa iba. Napupuno man ng kadiliman ang paligid mo, ang isip o damdamin mo, ‘wag kang mapagod na hanapin at alalahanin ang dahilan ng kung bakit ka nandyan sa lugar na yan at ang dahilan minsan mong pagliwanag.

For F,

Dahil G na G ka naman kapag pinag-uusapan ka, pa-isa lang.

Pare-pareho naman kayong ganyan, deny deny sa una tapos totoo naman pala. Kung meron nga, may magagawa ba kami?

Continue reading “For F,”

Not So Supportive and Why

Not So Supportive and Why

Alam ko hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng supportive na katuwang sa buhay. Actually, bihira na nga makahanap ng supportive na asawa.

Yung tipong bibigyan ka ng reality check pero ipu-push ka pa rin na mag-improve sa mga bagay na gusto mong marating. ‘Yung kahit na nada-down ka na kasi parang walang pinapatunguhan yung mga efforts mo, andyan pa rin sya para sabihin na O.K. lang yan kasi passion mo yan. Sobrang bihira ng yung mga ganyang asawa.

Unfortunately, isa ang asawa ko sa mga HINDI supportive. Kapag may mga gusto akong gawin, he will allow me to do it and when I felt down about it, he will pour all the discouragements. He loves giving reality checks that most often sounds like “you’re doing something hopeless and useless again so you better stop it now”. Just like when I finally had my own domain (which means I’m already spending a bit on my blogging), I asked him to check how my blog looks and if the things that I want to do are possible. His response? “Wala namang magbabasa nyan ūüėÄ “

Continue reading “Not So Supportive and Why”

Last Na

Nakita ko nanaman silang magkakasama, at ako naiwan nanamang nag-iisa. Sila, nandun sa tabing dagat, masayang namamasyal, nagtatampisaw at nagpapahinga. Ako naman, ito patingin-tingin na lang sa mga post nila. Lagi naman nila akong niyayaya pero ako ang tumatanggi. Bakit nga ba?

Naalala ko tuloy nung huli kaming nagkasamasama. Maaga kaming nagkita sa isang parke at kumain pa kami ng lunch na magkakasama. Pagkatapos noon ay naglibang ng saglit sa Timezone. Hindi kami kumpleto pero masaya na ‘kong makita sila, masaya akong malaman na OK sila.

Nung uwian na, nakita ko nanaman ang dahilan kung bakit ayaw kong sumasama sa mga lakad ng barkada. Napagtanto kong kahit gaano katagal ang lumipas, hindi na ‘yun magbabago. Doon ko nasabing kahit kailan hindi na ako sasamang muli sa kanila.

Iyon na ang huli.

Balisong

Ilang taon na nga ba? Halos labingwalong taon na din pala mula nang una kong mapansin yung weirdo mong mukha. Sa fourth row ako nakaupo noon, sa tabi ng pader. Ikaw naman nasa second or thrid row sa kabilang side ng kwarto. Pareho tayong transferee na first year high school students noon. Ang puti at ang gwapo mo, matangkad ka rin pero masyado kang baby face. As in mukha kang totoy sa katawan ng isang high school student.
Sabi nila para kang alien kasi patulis yung mukha mong sobrang payat. Pati buong katawan mo, napakapayat na para bang kayang kaya kang tangayin ng hangin. Napakahinhin mo din maglakad at
July 12 nang ayusin ni Maam ang seat plan natin. Yun ang umpisa kung bakit ko naging favorite ang Science. Araw-araw ko ng inaabangan yung subject na yun kasi naman, yun lang yung time na magkakatabi tayo. Oo! Grabe inspiration yun!
Pagkatapos ng ilang linggo eh nagkatabi ulit tayo sa ibang subject kaya grabe ang palakpak ng tenga ko nun! Mas pinagbigyan pa ko ni Lord nang pati sa homeroom (umpisa at last period natin) eh magkatabi tayo.
Juice colored! Imagine starting and ending your day beside your inspiration? No wonder why I’m always at the top of our class.
One day you came into our room and first thing you did was to show this little toy of yours. Isang balisong. You loved playing with it. You even showed me how to twist and turn it in my hands. I can still see your lips moving when you said something that morning. Then, there’s your smile that made my heart beat a little bit faster. I can’t remember the words now but that day will always remain.

Ikaw

Ikaw ang nagbigay ng mga bagay na ‘di ko hingi

Ikaw ang nagparamdam ng mga damdaming ayaw kong pansinin

Ikaw ang unang nagsabi ng mga salitang ayaw kong marinig at ayaw kong sabihin

Ngunit sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang aking lakas

Ikaw pa rin ang dahilan kung bakit ako makapangyarihan.

 

[In response to Daily Prompt : Mighty]

Umpisa ng Katapusan

Alas kwatro y media na ng hapon noon. Unang Lunes ng buwan at nakalaan ang oras na iyon para sa aming club meeting. Mula sa mainit na kwarto namin ay lumipat kami sa room ng isang klase sa fourth year. Naka-aircon ito at wala pang mga tao kaya agad kaming nakahanap ni Zhen ng uupuan.

Komportable akong nakaupo noon. ¬†Naka-indian seat pa ako, ¬†kasyang-kasya ako dahil medyo payat pa ako noon. ¬†Isa’t kalahating oras lang ang nakalaan sa club meeting kaya nag-umpisa na agad si Mrs. De Vera. ¬†Home Economics club, voting of officers, activities for first quarter, at marami pang iba.

Continue reading “Umpisa ng Katapusan”

Panaginip

Tahimik na nakaupo si Isay sa kusina habang nakatingin sa kanyang cellphone. Balisa at paulit ulit na binabasa ang mga text,  tinitignan ang call history at pati na rin ang mga nasa gallery.

Alas-dose na ng gabi nang lumabas si Kardo sa kanilang kwarto at tinabihan si Isay.  Inakbayan nya at hinalikan sa ulo ang kanyang asawa. 

“Sino ka? ” tanong ni Isay habang nakatingin pa rin sa cellphone. “Sino ka ba talaga? ” dahan dahan nitong tinignan ang lalaking tumabi sa kanya. 

“Asawa mo ‘ko,  ‘di ba? ” sabi ni Kardo na lalo pang hinigpitan ang akbay,  sabay ngiti. 

Pinakita ni Isay ang mga text ng kapatid nya. 

“Naaksidente si Kardo,  nandito kami sa. ospital”

“Ate,  wala na si Kuya.  Dead on arrival daw”

Tumawa ng malakas si Kardo. Tawang nakakapanindig balahibo.  “Alam mo na pala”, sabay pisil sa balikat ni Isay. 

Dahan dahan itong nilingon ni Isay. Isang nakakatakot na nilalang na ang katabi nya. 

“Sabi sayo ako ang asawa mo,  ako ang tunay na asawa mo” 

Hindi na makagalaw si Isay. Pinilit nyang sumigaw at kumilos.  Bigla syang nagising,  panaginip lang pala. Pagbangon nya, naulit nanaman ang lahat. Hanggang sa magising syang muli. 

“Kardo,  patay na ang asawa mo.  Binangungot.”