Naranasan mo na ba?

Naranasan mo na ba na kabisado mo ang sapatos ng mga tao sa paligid mo ng hindi sila tinitignan kasi nag-aalangan kang tignan sila sa mukha?

Naranasan mo na ba na pakiramdam mo palagi kang pinag-uusapan? ‘Yung  para kang takot lagi na baka may nakamasid syo?

Naranasan mo na bang papaniwalain ang sarili mo sa isang bagay para lang maging mas okay ang emotional state mo kasi nasa edge ka na?

Naranasan mo na bang pilit ka nang humahanap ng kahit kaunting positivity or inspiration sa paligid mo para lang maitawid ang araw-araw na kalungkutan?

Naranasan mo na ba na iyak ka lang ng iyak buong araw o buong gabi dahil sobang lungkot mo pero hindi mo alam kung bakit ka malungkot?

Naranasan mo na bang makaramdam ng matinding takot at dahil sa takot na ‘yun, ni hindi mo na magawang kumausap ng kahit sino o kahit simpleng pagsasalita ‘di mo na magawa?

Naranasan mo na ba na sa sobrang negativity na nararanasan mo, feeling mo dapat ka ng mamatay kasi pagod ka na sa buhay in general?

 

 

Naranasan mo na bang mgkaroon na depression? O di kaya anxiety?

Kung hindi mo pa naranasan, ‘wag kag magmamarunong na gagawin mong joke yung nararanasan na iba ha. ‘Yung iba kasi pilit lumalaban, ‘yung iba naghihintay na lang ng huling taong tutulak sa kanila para ituloy yung balak nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *